Loving...

Video/Slide



Older Entries

Saturday, August 15, 2009
Ang Kuneho at ang Pagong


The Rabbit and the Turtle
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak."Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho."Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na ba kayo".Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!"."Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.Naunahan na pala siya.


tanong:
1. bakit pinagtatawanan ni kuneho si pagong?

With £ove,

My memory written at 5:18 AM

Ang Mapaghiganting BubuyogThe Vengeful Bumblebees



Galit na galit ang mga bubuyog sa tao. Papaano, kapag natatagpuan ng mga tao ang kanilang pukyutan ay inuubos ng mga ito ang pulut- pukyutan doon.Dahil doon dumulog ang reyna ng mga bubuyog sa diwata ng kagubatan. Nag-alay ito ng pulut-pukyutan at humiling sa diwata ."Pagkalooban n'yo po kami ng tibo sa puwitan, upang gamiting sandata laban sa mga tao. Na sinuman sa kanila ang magnakaw uli ng aming pulot- pukyutan ay makakatanggap ng tusok mula sa aming tibo at sila ay masasaktan at masusugatan."Hindi nagawang tumutol ng diwata sa kahilingan ng mga bubuyog."Pagbibigyan ko kayo sa inyong kahilingan, sa isang kundisyon. Kapag naiwan ang tibo na naitusok ninyo sa katawan ng tao, kayo ang mamamatay," sagot ng diwata ng kagubatan.Kaya ganoon ang kundisyon ng diwata ay dahil sa maitim na hangaring makapaghiganti ng mga bubuyog.

tanong:
1. bakit galit na galit ang bubuyog sa mga tao?
2. ano ang hiniling ng reyna sa diwata?
3. ano ang mangyayari sa mga bubuyog kapag naiwan ang tibo na naitusok nila sa katawan ng tao?

With £ove,

My memory written at 5:15 AM

Ang Kahon ni Pandora


Pandora's Box
Noong unang panahon, ang mga sinaunang Diyos ay nagdesisyong gumawa ng isang obra maestra.Sila'y gumawa ng isang perpektong babae na pinangalanan nilang Pandora.Lahat ng mga naghahari doon ay nagbigay kay pandora ng regalo na hahangaan ng iba: Kagandahan, katalinuhan, kaalaman at kakayahan sa lahat ng bagay.Sa wakas dinala na siya kay Hupiter, ang Diyos ng lahat ng mga hari, upang ibigay ang kanyang natatanging regalo kay Pandora na hindi mahihigitan ng anumang regalo ng iba, bago pa siya ipadala sa mundo.Si Hupiter, na hindi papatalo sa mga regalong naibigay na sa kanya ng ibang mga hari. Kaya't binigyan niya ito ng isang magandang kahon na may disenyo. Binilin niya kay Pandora na huwag itong bubuksan kahit anong mangyari.Ngunit hindi nakatiis si Pandora na malaman kung ano talaga ang nilalaman ng kahong iyon.Isang araw binuksan niya iyon, nagulat siya sa kanyang natuklasan, naglabasan lahat ng masasamang elemento na magbibigay ng masamang epekto sa mga tao: Pagkatanda, pagkakasakit, pagseselos, pagkasakim at poot. Bago pa naisara ni pandora ng kahon nakalabas na ang mga ito at kumalat na sa buong mundo.Sa kabutihang palad, naiwan sa loob ang "Pag-asa" na siyang magpapatibay ng loob sa mga taong dumadaan sa mga pagsubok sa kanilang buhay.



tanong:

1. anu-ano ang mga regalong ibinigay kay Pandora?
2. ano ang pangalan ng Diyos ng mga hari na nagbigay kay Pandora ng natatanging ragalo?
3. ano ang naglabasan sa kahon na ibinigay kay Pandora?

With £ove,

My memory written at 4:51 AM

Ang Tatlong Maliliit na Baboy


The Three Little Pigs
May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran.Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay.May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga dayami.Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik.Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid, ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik.Sa takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa asa bato.At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisp ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok sa loob.Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.



tanong:

1. anong uri ng bahay ang itinayo ng unang biik?
2. anong uri namanng bahay ang itinayo ng ikatlong biik?
3. saan naisip ng lobo dumaan dahil hindi niya maihip ang bahay ng ikatlong biik?

With £ove,

My memory written at 4:51 AM

Ang Hangin at ang Araw


The Wind and the Sun
Payabang na sinabi ng hangin sa araw: "Mas malakas ako sayo."Mabilis naman itong sinagot ng araw: "Hindi! Mas malakas ako sayo."Di kalaunan nakakita sila ng isang lalaki. Upang malaman kung sino talaga sa kanilang dalawa ang mas malakas, napagkasunduan nilang kung sino man sa kanilang dalawa ang makapagpatanggal ng suot na pangginaw ng lalaki ay ay siyang mas malakas.Sinimula nang magtago ng araw sa mga ulap. Nagsimula namang umihip ang hangin sa lakas ng kanyang makakaya. Ngunit habang lumakas at tumitindi ang pag-ihip niya ng hangin ay siya namang higpit ng hawak ng lalaki sa kanyang pangginaw. Pagkatapos ng ilang pagsubok ay sumuko na rin ang hangin.Ngayon naman ang pagkakataon na araw. Lumabas ang araw mula sa kanyang pinagkukublihan. Marahn at tahimik siyang lumabas at nagsimulang magbigay ng matinding liwanag.Hindi nagtagal nakaramdam ang lalaki ng matinding init sa katawan at nagsimulang maghubad ng kanyang pangginaw.
Mensahe:Ang kayabangan ay madalas mauwi sa kahihiyan.


tanong:
1. ano ang ginawa nila upang malaman kung sino talaga ang mas malakas?
2. paano inilabas ng hangin ang kanyang lakas?
3. sino tlaga sa kanila ang tunay na malakas?

With £ove,

My memory written at 4:50 AM

Ang Dagang Taga-Bukid at ang Dagang Taga-Siyudad


The City Mouse and the Country Mouse
Magkaibigan sina Dagang-bukid at Dagang Bayan. Isang araw, dinalaw ni Dagang-Bukid sa tirahan niya. Ipinasyal niya si Dagang Bayan sa magagadang tanawin, halamanan at palaisdaan sa bukid.Ang saya nila!Matapos silang maglibot, naghain si Dagang Bukid. Pinagsaluhan nila ang palay at mais na natipon niya.Pagkatapos nilang kumain, ibinalita naman ni Dagang Bayan ang pagkain doon.Sabi niya, "Masaya sa lungsod. Maraming mapapasyalang magagandang lugar. Marami ring masasarap na pagkain, may keso, karne at tinapay. Sumama ka sakin.Naingganya si Dagang bukid sa paanyaya ni Dagang Bayan na pumunta sa lungsod.Dumating sila sa malaking bahay na tinitirhan ni Dagang Bayan. Humanga si Dagang Bukid sa nagggagandahan palamuti at kasangkapang nakita niya. May masarapna pagkain sa mesa tulad na keso, prutas,karne at iba pa.Talagang doon na sana siya magtitira nang biglang may lumabas na malalaking pusssa. Hinabol sila at nagtatakbo sila sa lungga upang magtago.Nang wala na ang pusa, napag isip isip niya na mahirap pala ang buhay sa lungsod.Sabi ni Dagang Bukid, "Aanhin ko ang buhay na masarap dito sa lungsod, akung ang buhay ko naman ay laging nasa bingit ng kamatayanat takot."Siya'y nagpaalam na sa kaibigan at tuluyan nang umalis upang di na bumalik..


tanong:
1. sino ang dalawang magkaibigan?
2. bakit naenganyo sumama si dagang bukid kat dagang bayan?
3. ano ang naranasan ni dagang bukid sa syudad?

With £ove,

My memory written at 4:49 AM

Ang Usa na Naligaw sa Sapa


The Lost Deer
Isang usa ang nagtatakbo papalapit sa isang sapa upang uminom.Pagkatapos makalagok ng ilang ulit ay napansin niya ang isang kakaibang hugis ang lumitaw sa tubig.Matagal siyang nagmasid hanggang sa matiyak niyang hugis niya ang kanyang nadudungawan.Nagpaikut-ikot at nagpabiling-biling ang Usa habang nakadungaw sa tubig. Pinagmasdan ang kanyang repleksyon."Talagang napakaganda ko, bagay na bagay sa akin ang mga sungay na ito." Labis ang pagmamalaki niya sa kanyang sarili.Sa kasisipat sa sarili ay napadukwang siya ng husto at napatuntong sa tubig. Lumitaw ang repleksyon ng kanyang mga binti sa ibabaw ng tubig. Tila napahiya siya sa sarili."Nakakahiya naman. Kay liliit pala ng mga binti ko, mukhang walang kalakas-lakas, hindi tulad ng aking mga sungay na napakaganda at bagay na bagay sa akin."Laking panghihinayang ng Usa sa kakulangan ng sukat ng kanyang paa.Mula sa kanyang likuran ay nararamdaman niya ang dahan-dahang paglapit ng isang leon, handa na siyang silain.Mabilis na sumibad ng takbo ang maliliit na paa ng Usa, binagtas ang malawak na kaparangan hanggang makapasok ng kagubatan. Nang lumingon ang Usa ay nakita niyang malayo ang naging agwat niya sa humahabol na leon. Nasiyahan siya.Muli sana siyang sisibad ng takbo nang masalabid sa maliliit na sanga ang kanyang sungay. Hindi na siya makawala sa pagkakaipit."Hindi ko akalain na ang magaganda kong sungay pala ng magpapahamak sa akin," hinagpis ng Usa.Naabutan at nalapa siya ng mabangis na leon.
MENSAHE:Kung alin ang hindi natin pinahahalagahan ay 'yun pala ang higit na may pakinabang.


tanong:
1. ano ang ayaw ni usa sa kanyang sarili?
2. sino ang dumating na handa na siyang silain?
3. ano ang nagpahamak kay usa?

With £ove,

My memory written at 4:49 AM

Ang Matakaw na Kuneho


The Greedy Rabbit
Nakita ng kunehong gutom na gutom ang isang malaking basket na puno ng matamis na kamote.Nilapitan niya ang basket, nakita niyang may takip ito. Naghanap sya ng ibang mapapasukan. Nakakita sya ng maliit na butas sa bandang tagiliran nito.Pinilit nyang sumuot doon hanggang makapasok nga sya sa loob ng basket. Tuwang tuwa sya nang lantakan ang matamis na kamote.Kumain sya ng kumain, walang tigil sa pagkain na animo mauubusan. Makalipas ang ilang sandali ay nabundat sana siya ng husto.Nang tangkain na niyang lumabas ng basket ay hindi na nya nagawa. Nang dahil sa kanyang katakawan ay lumaki ng husto ang kanyang tiyan. Dahil doon, hindi bna siya naglasya sa butas na pinasukan. Hindi na siya makalabas.Dinatnan sya ng may ari ng basket. Hinuli siya at siya ay ginawang tapang kuneho.


1.ano ang kinain ng kuneho?
2.bakit hindi sya makalabas sa loob ng basket?
3.ano ang ginawa sa kanya ng may ari ng basket?

With £ove,

My memory written at 4:48 AM

Ang Tigre at ang Matalinong Lobo


The Tiger and the Wise Fox
Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol."Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!""Bakit?" tanong ng tigre."Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin . Parurusahan ka Niya."Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan!""Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag takot na takot.Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!"Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.


tanong:
1. bakit hindi natuloy ang pagpatay ng tigre sa lobo?
2. ano ang sinabi ng lobo sa tigre?
3. kanino talaga natatakot ang mga hayop sa gubat?

With £ove,

My memory written at 4:47 AM

BAKIT MAALAT ANG DAGAT?Si Angalo ay isang higanteng mahal ng mga tao sa kanilang nayon sapagkat siya'y mabait at matulungin. Isang araw, ang mga tao ay sumakay sa mga bangka at nagtungo sa kabilang ibayo ng dagat upang bumili ng asin. Pabalik na sila sa dalampasigan nang masalubong nila si Angalo. Itinanong ng higante kung saan sila nanggaling at ano ang kanilang mga dala. Sinabi ng mga tao na bumili sila ng asin.Iminungkahi ni Angalo na huwag na silang magsisakay sa mgha bangka at nang mapadali sila sa pag-uwi. Hihiga raw siya sa dagat at gawing tulay ng mga tao ang isa niyang binti. Tuwang-tuwang sumang-ayon ang mga naroon. Humiga na ang higante sa dagat at nagsitulay na sa kanyang binti ang mga tao. Nang nasa gitna na ng dagat ang mga tao ay kinagat ng mga langgam ang talampakan ni Angalo. Makating-makati na at masaki na masakit ang mga kinagat ng mga langgam kaya pinagsabihan ng higante ang mga tao na magmadali at hindi na niya matiis ang nararamdaman niyang pangangati.Nagmadali ang mga tao ngunit sila'y nasa kalagitnaan pa lamang ng binti ni Anggalo. Hindi na natiis ni Angalo ang masidhing pangangati ng kanyang talampakan. Kumilos siya upang kamutin iyon kaya't nahulog sa dagat ang mga tao, dala-dala ang binili nilang asin. Natunaw ang mga asin nang mahulog sa dagat kaya't iyon ang dahilan kung bakit naging maalat ang dagat.

With £ove,

My memory written at 4:42 AM

Ang Pinagmulan ng Lahi
Ayon sa matatanda, ang bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi nalaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang bukasan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Ita.

With £ove,

My memory written at 4:39 AM

Ang Alamat ng Maya

Ibong Maya
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

With £ove,

My memory written at 4:38 AM

Kung Bakit Masikip ang Damit ng Kalabaw at Maluwag naman ang sa Baka

Noong unang panahon ang balat ng kalabaw ay hindi katulad ng sa ngayon. Ganoon din ang sa baka. Silang dalawa ay mabuting mag-kaibigan. Isang araw, ang kalabaw ay niyaya ng baka na maligo sa isang ilog. Pagdating nila roon, hinubad ang kanilang damit at tumalon sila sa tubig.
Ilang oras ang nakaraan, naalala ng kalabaw na tanghali na at sila ay kailangan ng kanilang amo. Sinabi niya sa kanyang kasama na mabuti pa'y sila ay umuwi na. Ibig na ring umuwi ng baka. Sa kanilang pagmamadali ang damit ng baka ay naisuot ng kalabaw at ang damit naman ng kalabaw ay naisuot ng baka. Hindi nila naalala hanggang naabutan sila ng kanilang amo, at hinabol silang pauwi. Hanggang ngayon hindi pa sila nagpapalitan ng damit.

With £ove,

My memory written at 4:38 AM

Tore ng Babel
Ang Tore ng Babel[1] (Ebreo: מגדל בבל‎ Migdal Bavel Arabe: برج بابل‎ Burj Babil), ayon sa kabanata 11 ng Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya, ay isang malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel, ang pangalang Hebreo para sa Babilonya (sa Akadyano: Babilu). Batay sa salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisang sangkatauhan, na nagsasalita ng "iisang wika at salita" lamang at lumipat mula sa silangan, ang nakilahok sa pagtatagyo nito pagkaraan ng Malaking Baha. Tinatawag din ang pagtatayo ng Tore ng Babel bilang "simula" ng kaharian ni Nemrod[1] (o Nimrod). Pinagpasyahan ng mga taong magkaroon ng isang mataas at malaking tore ang kanilang lungsod na "Magtayo tayo ng isang lunsod at ng isang tore na ang taluktok ay aabot sa mga langit!" Subalit, itinayo ang tore hindi para sa pagsamba at pagpupuri sa Diyos, sa halip para sa kaluwalhatian ng tao, na may hangarin o motibong gumawa ng "pangalan" para sa mga tagapagtayo: "Igawa natin ang ating sarili ng isang pangalan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa." (Henesis 11:4). Nang makita ang ginagawa ng tao, ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at "pinaghiwa-hiwalay sa balat ng lupa mula sa pook na yaon".[1] Orihinal na layunin ng Diyos na palakihin o paramihin at punuin ng tao ang mundo. Sa mga kasulatang Hebreo, inilalarawan si Nemrod bilang isang malaakas o "bantog na mangangaso" sa "harap ng Panginoon".[1]
Batay sa paliwanag ni Jose Abriol, ang Tore ng Babel ay hindi lang ang tanging dahilan ng "pagkakaiba-iba ng mga wika ng tao", bagkus ay isa ring "maliwanag na tanda ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos" kaysa tao, kaya't hindi maaaring "magtamo ng pagkakaisa" ang mga tao sa pamamagitan ng "kanilang sariling lakas lamang".[1]

With £ove,

My memory written at 4:38 AM

SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGOIsang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.""Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

With £ove,

My memory written at 4:37 AM

Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?ni Mark Anthony V. ObsiomaIna, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?Nasaan na kayo ni itay?Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo'y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya'y hinahabol. Ikaw'y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila'y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya'y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya'y lumabas na? Napag-usaupan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama't ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.Paano na lang ang sinabi ni Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan" kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti siguro'y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang na mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.Ina, bakit ninyo ako ginawa?

With £ove,

My memory written at 4:37 AM

Ito ay isang Kuwentong Bayan ng Ilocos:ANG DIWATA NG KARAGATANSa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

With £ove,

My memory written at 4:37 AM

BAKIT NAKABITIN ANG UPO?

May isang halamang tumubo sa bakuran ni Mang Karyo. Ito ay ang upo. Gumagapang ito sa lupa, kaya itinali ito ni Mang Karyo sa kawayan.

Ayaw ng upo na nakabitin siya. Gusto niyang maging Malaya tulad ng ibang halaman. Kaya nag-iasip ang up kung paano siya makakalaya a pagkakatali.

Kinausap niya ang kanyang kaibigang hangin.
“kaibigan, tulungan mo namn ako. Ayaw kong nakagapos na mistulang alipin ni Mang Karyo. Nais kong maging Malaya tulad ng mga bulaklak at mga damo. Mapapalad sila. Gusto ko nang buhay nila. Umihip ka ng malakas upang makalag ang mga tali sa katawan ko, dige na,” pagmamakaawa ng upo.

“Hindi tama ang iyong kahilingan ngunit kung iyon ang nais mo, pagbibigyan kita,: sagot ng hangin.

Umihip ng malakas ang hangin hanggang makalas ang tali sa katawan ng halamang upo. Laking pasasalamat ng upo at siya’y nakahulagpos sa pagkakagapos. Malaya na diyang makakagapang sa lupa tulad ng ibang halaman.

Isang araw, may gumalang aso sa bakuran ni Mang Karyo. Naghahanap ito ng makakain. Kahig ito ng kahig sa mga halaman. Hindi nakaiwas ang upo sa matatalim na kuko ng aso. Nakakaawa ang anyo ng upo nang ito ay Makita ni Mang Karyo kinabukasan. Inayos ni Mang Karyo ang halaman at itinaling muli sa puno ng kawayan upang hindi malglag a lupa. Lumakas at gumandang muli ang anyo ng upo at laking pasalamat niya kay Mang Karyo.

Minsan, umihip nang malakas ang hangin at nakipaglaro sa mga dahon ang upo. Nakiusap ngayon ang upo sa kaibigang hangin na huwag lakasan ang ihip at baka makalag ang kanyang tali at muling malaglag sa lupa.

Nagtaka ang hangin sa sinabi ng upo.

“Noong maliit ka pa, nakiusap ka sa akin na maibaba kita sa lupa. Ngayon, ayaw mo ng bumaba sa lupa at maging Malaya.”
“Mayroon akong malungkoy na karanasan ng ako’y maibaba sa lupa at maging Malaya. Itong karanasan kong ito ang nagturo sa akin na lahat ng bagay ditto sa mundo ay may kanya-kanyang dapat na kalagyan. Sana’y na unawaan mo ako,” paliwanag ng upo.

With £ove,

My memory written at 4:37 AM

Nakalbo Ang Datu

May isang datu na tumatandang binata dahil sa paglilinkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pagmamahal sa kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang taga payo na kinakailangan niyang mag-asawa upang nagkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng makakasama habambuhay. Nagging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang isang didilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang kapuwa maganda na ay mabait pa. Dahil saw ala siyang itulak-kabigin pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng atu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

“Ah!” bubunutin ko ang puting buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasing gulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubutan niya ito ng puting buhok. Dahil dito, madaling nakakatyulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng dati si Farida. Ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasing tanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya ay ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Faridaang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Ahil sa ipapakitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bkait di agad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya. Hindi niya nakilala ang kanayang sarili.

“Kalbo! Kalbo, ako!” sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at Farida.

With £ove,

My memory written at 4:35 AM

Wednesday, August 12, 2009
ANG ASO AT ANG UWAK

Ang ibong si Uwak ay lipad nang lipad
Nang biglang makita tapang nakabilad
Agad na tinangay at muling lumipad
Sa dulo ng sanga ng malagong duhat.

Habang kumakain si Uwak na masaya
Napakubli-kubli nang huwag makita
Nang iba pang hayop na ksama niya
At nang masarili ang kinakaing tapa.

Walang anu-ano narinig ni Uwak
Malakas na boses nitong Asong Gubat
"Sa lahat ng ibon ika'y naiiba
Ang kulay mong itim ay walang kapara."

Sa mga papuri nabigla si Uwak
At sa pagkatuwa siya'y humalakhak;
Ang kagat na karne sa lupa'y nalaglag
Kaagad nilundag nitong Asong Gubat.

At ang tusong aso'y tumakbong matulin
Naiwan si Uwak na nagsisi man din
"Isang aral ito na dapat isipin
Ang labis na papuri'y panloloko na rin."

With £ove,

My memory written at 5:17 AM

SI ALITAPTAP AT SI PARUPARO

May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaliktad at kaawag-awag sa lupa.

Paruparo: Saklolo! Tulungan niyo ako! (Sa daraan si Langgam at narinig ang sigaw ni paruparo.)

Langgam: Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at maghahanap ako ng pagkain. (Umalis si langgam at iniwan ang kaawa-awang Paruparo)

Paruparo: Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si gagamba. Lumapit siya kay Paruparo.)

Gagamba: Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay. Mangunguha pa ako ng sapot. ( At umalis na si Gagamba.)

Paruparo: O, Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang kasama kong kulisap. Wala ng sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na pkislap-kislap na liwanag.)

Alitaptap: Naku, bakit ka nandiyan?

Paruparo: Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko kayang tumindig mag-isa upang lumipad. Maari mo ba akong tulungan?

Alitaptap: Aba. oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko.. (Ilan pang sandali ay dumating ang maraming alitaptap)

Paruparo: Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin. Kaybuti ng inyong kalooban.

Alitaptap: Walang anuman, kaibiganmg Paruparo. O sige aalis na kami.

Paruparo: Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak, salamat na muli.

With £ove,

My memory written at 4:59 AM

ANG PALAKA AT ANG KALABAW

Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat ang araw. Maganda na ang panahon. Namasyal ang mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa. Nakita nila ang isang kalabaw na nanginginginan ng sariwang damo. Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang kalabaw. Dali-dali silang umuwi at ibinalita sa kanilang ina.

"Ina, nakakita kami ng napakalaking palaka!" sabay-sabay na sabi ng mga anak ng palaka.

"Totoo? Malaki pa sa akin?" wika ng Inang Palaka. "Ako na ang pinakamalaki sa lahat ng palaka."

"Talaga pong napakalaki," patotoong muli ng mga anak na palaka. "Sumama po kayo sa amin nang inyong makita."

"Hala, tayo na," wika ng Inang Palaka. "Hindi ako naniniwala na mayroon pang palaka na mahigit ang laki kaysa sa akin."

At sabay-sabay na pumunta ang mag-iinang palaka sa tabi ng sapa.

Itinuro ng mga anak na palaka ang nakitang kalabaw na patuloy na nanginginain ng damo.

"Tignan ninyo ako," wika ng Inang Palaka sa mga anak. Huminga siya ng malalim upang palakihin ang kanyang sarili.

"Sino nagyon ang higit na malaki sa aming dalawa?"
"Malaki po ang aming nakitang palaka," wika ng maliliit na palaka. "Higit po siyang malaki kaysa sa inyo."

Muling huminga nang malalim ang Inang Palaka upang madagdagan ang kanyang laki. At kanyang muling itinanong ang maliliit na palaka.

"Malaki na ako ngayon sa kanya, hindi ba?"

" Hindi po, Ina," sabay-sabay na namang sagot ng mga anak na palaka. "Ang laki po niya kaysa sa inyo."

"A hindi, ako ang pinakamalaking palaka. Tingnan ninyo ako," wika ng Inang Palaka at ubos-lakas siyang hu,inga nang huminga.

Bog! narinig na putok ng mga anak ng palaka. At nakita nilang pumutok ang tiyan ng mahal nilang ina.

"Kaawa-awa naman si Iang Palaka!" wika ng mga anak ng palaka. "Ayaw niyang mahigitan ng iba kaya siya ang nagdusa."

With £ove,

My memory written at 4:40 AM

SI HARING TAMARAW AT SI DAGA



Alam ninyo, ang tamaraw ay siayng hari ng mga hayop sa ating kagabutan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanayng nasasakupan.



Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagabutan. Dumating siyang pagod na pagod. Kaagat siyang nakatulog sa ilalalim ng punong nara. Sa darating si Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng nara. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga, hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit ang Daga.



Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin niya sana ito. Nagmamakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si daga.

Isang araw naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagabutan. Sa kanayng paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong si Haring Tamaraw. Hindi siya makawala sapagkat bago at matibay ang hawla.

Hindi nagtagal, nakarinig ang mga hayop ng malakas na atungal sa gubat. Nagulat sila nang makita nila sa loob ng hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.

Walng anu-ano, dumating si Daga na galing din sa paghahanap ng pagkain. Ngingatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa hawla. Nagpasalamat si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Mula noon, naging mabuting magakaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

With £ove,

My memory written at 4:06 AM

ANG MADALDAL NA PAGONG

Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing sapa ang magkakaibigang Pagong Daldal, si Abuhing Gansa at si Puting Gansa. Nagkwentuhan sila, di-nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa.

"Isama naman ninyo ako sa inyang tirahan sa kabilang ilog," pakiusap ni Pagong Daldal.

"E, paano ka namin maiisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka nakakalipad?" wika ni Abuhing Gansa.

"Oo nga ano," wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.

"Sandali may naisip ako," wika ni Puting Gansa. Maisasama ka namin kung susunod ka sa aking sasabihin."

"Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo," wika ni Pagong Daldal.

Kumuha ng patpat si Puting Gansa at saka ipinaliwanag ang dapat gawin ni Pagong Daldal.

"Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tatandaan mo. Huwag na Huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalagapak sa lupa."

"O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, Kaibigang Pagong," wika ni Puting Gansa. "Tandaan mo, huwag kang magsasalit. Wala kang pakpak at kapag nakabitaw ka, tiyak na lalagapak ka sa lupa."

"Hindi ako magsasalita, pangakong muli ni Pagong Daldal.

Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat naman ni Puting Gansa. At sila ay lumipad na.

Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punong kahoy1 Waring naakyat sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.

Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong. Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila ang pagong na kagat-kagat ang patpat!

"Tingnan niyo ang Pagong Daldal! Lumilipad!"

"Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Nagalit si Pagong Daldal.

"Mga batang--"

Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuloy-tuloy siayng bumagsak sa lupa.

"Kaawa-awang Pagong!" nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa

With £ove,

My memory written at 3:43 AM

ANG MATAKAW NA ASO

May isang asong salbahe at napakatakaw, wala na itong ginawa kung hindi ang mang-umit at mang-agaw ng pagkain sa maliliit na tuta. Isang araw habang siya ay naglalakad, ay umabot sa kanyang ilong ang masarap na amoy, nakakatakam na amoy. At dahil siya ay nkaramdam na ng gutom, sinundan niya ang pinanggagalingan ng masarap na amoy.

Patuloy siya sa paglakad hanggang a makasalubong niya ang isang maliit na aso. May kagat-kagat na buto ang tuta.

Bigla niyang inangilan ang maliit na aso. Sinadya niyang umangil ng ubod lakas para lumabas ang kanyang matutulis na ngipin. Nagulat ang maliit na aso, sa labis na takot ay napanganga at nabitawan ang kagat-kagat na buto, saka kumaripas ng takbo papalayo.

Natuwa ang matakaw na aso.

Nagpalinga-linga siya, sa pag-aakalang baka may malaking aso na makaamoy sa masrap na buto at maagawan siya ay ipanasiya niyang huwag na muna itong kainin . Bigla nmiyang kinagat ang buto at tumakbo papalayo sa lugar na iyon, hanggang sa makarating siya sa pampang ng ilog ay may nakita siyang isa pang aso, tingin niya ay mas maliit ito kaysa sa kanya. Tulad niya ay may kagat-kagat din itong buto.

Dahil alam niyang mas malaki siya at nakakalamang, naisip niyang takutin ito para mapasakanya pa rin ang kagat-kagat nitong buto. Dumako siya malapit sa tubig para malapitan ang nakita niyang aso.

Nang ibuka niya ang kanyang bibig para tahulan ito at takutin, ay nalaglag mula sa kanyang bibig ang kagat-kagat niyang buto.

Napansin na lamang niyang wala na ang buto sa kanyang bibig ng bumagsak ito sa ilog at tumilamsik ang tubig. Nagtaka pa siya nang mapansin na wala na ang isa pang aso.

Doon niya napag-isipan, na anino pala niya sa tubig ang kanyang tinahulang aso. Nang ipasya niyang kunin ang nalaglag niyang buto ay sa kanya natanto na hindi siya marunong sumisid sa tubig.

Dahil doon malungkot siyang lumayo. Habang naglalakad siyang kumakamlam ang tiyan ay nagsisisi siya sa kanyang ginawa.

With £ove,

My memory written at 3:19 AM

My Blog
About Me
TagBoard
Music etc
History
Credits