May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaliktad at kaawag-awag sa lupa.
Paruparo: Saklolo! Tulungan niyo ako! (Sa daraan si Langgam at narinig ang sigaw ni paruparo.)
Langgam: Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at maghahanap ako ng pagkain. (Umalis si langgam at iniwan ang kaawa-awang Paruparo)
Paruparo: Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si gagamba. Lumapit siya kay Paruparo.)
Gagamba: Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay. Mangunguha pa ako ng sapot. ( At umalis na si Gagamba.)
Paruparo: O, Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang kasama kong kulisap. Wala ng sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na pkislap-kislap na liwanag.)
Alitaptap: Naku, bakit ka nandiyan?
Paruparo: Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko kayang tumindig mag-isa upang lumipad. Maari mo ba akong tulungan?
Alitaptap: Aba. oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko.. (Ilan pang sandali ay dumating ang maraming alitaptap)
Paruparo: Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin. Kaybuti ng inyong kalooban.
Alitaptap: Walang anuman, kaibiganmg Paruparo. O sige aalis na kami.
Paruparo: Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak, salamat na muli.
With £ove,