May isang asong salbahe at napakatakaw, wala na itong ginawa kung hindi ang mang-umit at mang-agaw ng pagkain sa maliliit na tuta. Isang araw habang siya ay naglalakad, ay umabot sa kanyang ilong ang masarap na amoy, nakakatakam na amoy. At dahil siya ay nkaramdam na ng gutom, sinundan niya ang pinanggagalingan ng masarap na amoy.
Patuloy siya sa paglakad hanggang a makasalubong niya ang isang maliit na aso. May kagat-kagat na buto ang tuta.
Bigla niyang inangilan ang maliit na aso. Sinadya niyang umangil ng ubod lakas para lumabas ang kanyang matutulis na ngipin. Nagulat ang maliit na aso, sa labis na takot ay napanganga at nabitawan ang kagat-kagat na buto, saka kumaripas ng takbo papalayo.
Natuwa ang matakaw na aso.
Nagpalinga-linga siya, sa pag-aakalang baka may malaking aso na makaamoy sa masrap na buto at maagawan siya ay ipanasiya niyang huwag na muna itong kainin . Bigla nmiyang kinagat ang buto at tumakbo papalayo sa lugar na iyon, hanggang sa makarating siya sa pampang ng ilog ay may nakita siyang isa pang aso, tingin niya ay mas maliit ito kaysa sa kanya. Tulad niya ay may kagat-kagat din itong buto.
Dahil alam niyang mas malaki siya at nakakalamang, naisip niyang takutin ito para mapasakanya pa rin ang kagat-kagat nitong buto. Dumako siya malapit sa tubig para malapitan ang nakita niyang aso.
Nang ibuka niya ang kanyang bibig para tahulan ito at takutin, ay nalaglag mula sa kanyang bibig ang kagat-kagat niyang buto.
Napansin na lamang niyang wala na ang buto sa kanyang bibig ng bumagsak ito sa ilog at tumilamsik ang tubig. Nagtaka pa siya nang mapansin na wala na ang isa pang aso.
Doon niya napag-isipan, na anino pala niya sa tubig ang kanyang tinahulang aso. Nang ipasya niyang kunin ang nalaglag niyang buto ay sa kanya natanto na hindi siya marunong sumisid sa tubig.
Dahil doon malungkot siyang lumayo. Habang naglalakad siyang kumakamlam ang tiyan ay nagsisisi siya sa kanyang ginawa.
With £ove,