Loving...

Video/Slide



Older Entries

Saturday, August 15, 2009
Ang Usa na Naligaw sa Sapa


The Lost Deer
Isang usa ang nagtatakbo papalapit sa isang sapa upang uminom.Pagkatapos makalagok ng ilang ulit ay napansin niya ang isang kakaibang hugis ang lumitaw sa tubig.Matagal siyang nagmasid hanggang sa matiyak niyang hugis niya ang kanyang nadudungawan.Nagpaikut-ikot at nagpabiling-biling ang Usa habang nakadungaw sa tubig. Pinagmasdan ang kanyang repleksyon."Talagang napakaganda ko, bagay na bagay sa akin ang mga sungay na ito." Labis ang pagmamalaki niya sa kanyang sarili.Sa kasisipat sa sarili ay napadukwang siya ng husto at napatuntong sa tubig. Lumitaw ang repleksyon ng kanyang mga binti sa ibabaw ng tubig. Tila napahiya siya sa sarili."Nakakahiya naman. Kay liliit pala ng mga binti ko, mukhang walang kalakas-lakas, hindi tulad ng aking mga sungay na napakaganda at bagay na bagay sa akin."Laking panghihinayang ng Usa sa kakulangan ng sukat ng kanyang paa.Mula sa kanyang likuran ay nararamdaman niya ang dahan-dahang paglapit ng isang leon, handa na siyang silain.Mabilis na sumibad ng takbo ang maliliit na paa ng Usa, binagtas ang malawak na kaparangan hanggang makapasok ng kagubatan. Nang lumingon ang Usa ay nakita niyang malayo ang naging agwat niya sa humahabol na leon. Nasiyahan siya.Muli sana siyang sisibad ng takbo nang masalabid sa maliliit na sanga ang kanyang sungay. Hindi na siya makawala sa pagkakaipit."Hindi ko akalain na ang magaganda kong sungay pala ng magpapahamak sa akin," hinagpis ng Usa.Naabutan at nalapa siya ng mabangis na leon.
MENSAHE:Kung alin ang hindi natin pinahahalagahan ay 'yun pala ang higit na may pakinabang.


tanong:
1. ano ang ayaw ni usa sa kanyang sarili?
2. sino ang dumating na handa na siyang silain?
3. ano ang nagpahamak kay usa?

With £ove,

My memory written at 4:49 AM

My Blog
About Me
TagBoard
Music etc
History
Credits