Saturday, August 15, 2009
Ang Kuneho at ang Pagong
The Rabbit and the TurtleIsang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak."Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho."Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na ba kayo".Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!"."Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.Naunahan na pala siya.
tanong:
1. bakit pinagtatawanan ni kuneho si pagong?
With £ove,
kristine:)

Ang Mapaghiganting Bubuyog
The Vengeful BumblebeesGalit na galit ang mga bubuyog sa tao. Papaano, kapag natatagpuan ng mga tao ang kanilang pukyutan ay inuubos ng mga ito ang pulut- pukyutan doon.Dahil doon dumulog ang reyna ng mga bubuyog sa diwata ng kagubatan. Nag-alay ito ng pulut-pukyutan at humiling sa diwata ."Pagkalooban n'yo po kami ng tibo sa puwitan, upang gamiting sandata laban sa mga tao. Na sinuman sa kanila ang magnakaw uli ng aming pulot- pukyutan ay makakatanggap ng tusok mula sa aming tibo at sila ay masasaktan at masusugatan."Hindi nagawang tumutol ng diwata sa kahilingan ng mga bubuyog."Pagbibigyan ko kayo sa inyong kahilingan, sa isang kundisyon. Kapag naiwan ang tibo na naitusok ninyo sa katawan ng tao, kayo ang mamamatay," sagot ng diwata ng kagubatan.Kaya ganoon ang kundisyon ng diwata ay dahil sa maitim na hangaring makapaghiganti ng mga bubuyog.
tanong:
1. bakit galit na galit ang bubuyog sa mga tao?
2. ano ang hiniling ng reyna sa diwata?
3. ano ang mangyayari sa mga bubuyog kapag naiwan ang tibo na naitusok nila sa katawan ng tao?
With £ove,
kristine:)

Ang Kahon ni Pandora
Pandora's BoxNoong unang panahon, ang mga sinaunang Diyos ay nagdesisyong gumawa ng isang obra maestra.Sila'y gumawa ng isang perpektong babae na pinangalanan nilang Pandora.Lahat ng mga naghahari doon ay nagbigay kay pandora ng regalo na hahangaan ng iba: Kagandahan, katalinuhan, kaalaman at kakayahan sa lahat ng bagay.Sa wakas dinala na siya kay Hupiter, ang Diyos ng lahat ng mga hari, upang ibigay ang kanyang natatanging regalo kay Pandora na hindi mahihigitan ng anumang regalo ng iba, bago pa siya ipadala sa mundo.Si Hupiter, na hindi papatalo sa mga regalong naibigay na sa kanya ng ibang mga hari. Kaya't binigyan niya ito ng isang magandang kahon na may disenyo. Binilin niya kay Pandora na huwag itong bubuksan kahit anong mangyari.Ngunit hindi nakatiis si Pandora na malaman kung ano talaga ang nilalaman ng kahong iyon.Isang araw binuksan niya iyon, nagulat siya sa kanyang natuklasan, naglabasan lahat ng masasamang elemento na magbibigay ng masamang epekto sa mga tao: Pagkatanda, pagkakasakit, pagseselos, pagkasakim at poot. Bago pa naisara ni pandora ng kahon nakalabas na ang mga ito at kumalat na sa buong mundo.Sa kabutihang palad, naiwan sa loob ang "Pag-asa" na siyang magpapatibay ng loob sa mga taong dumadaan sa mga pagsubok sa kanilang buhay.
tanong:
1. anu-ano ang mga regalong ibinigay kay Pandora?
2. ano ang pangalan ng Diyos ng mga hari na nagbigay kay Pandora ng natatanging ragalo?
3. ano ang naglabasan sa kahon na ibinigay kay Pandora?
With £ove,
kristine:)

Ang Tatlong Maliliit na Baboy
The Three Little PigsMay tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran.Napag-usapan ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng bahay.May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga dayami.Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba nito ang bahay na ginawa ng unang biik.Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid, ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik.Sa takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa asa bato.At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisp ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok sa loob.Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso. Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.
tanong:
1. anong uri ng bahay ang itinayo ng unang biik?
2. anong uri namanng bahay ang itinayo ng ikatlong biik?
3. saan naisip ng lobo dumaan dahil hindi niya maihip ang bahay ng ikatlong biik?
With £ove,
kristine:)

Ang Hangin at ang Araw
The Wind and the SunPayabang na sinabi ng hangin sa araw: "Mas malakas ako sayo."Mabilis naman itong sinagot ng araw: "Hindi! Mas malakas ako sayo."Di kalaunan nakakita sila ng isang lalaki. Upang malaman kung sino talaga sa kanilang dalawa ang mas malakas, napagkasunduan nilang kung sino man sa kanilang dalawa ang makapagpatanggal ng suot na pangginaw ng lalaki ay ay siyang mas malakas.Sinimula nang magtago ng araw sa mga ulap. Nagsimula namang umihip ang hangin sa lakas ng kanyang makakaya. Ngunit habang lumakas at tumitindi ang pag-ihip niya ng hangin ay siya namang higpit ng hawak ng lalaki sa kanyang pangginaw. Pagkatapos ng ilang pagsubok ay sumuko na rin ang hangin.Ngayon naman ang pagkakataon na araw. Lumabas ang araw mula sa kanyang pinagkukublihan. Marahn at tahimik siyang lumabas at nagsimulang magbigay ng matinding liwanag.Hindi nagtagal nakaramdam ang lalaki ng matinding init sa katawan at nagsimulang maghubad ng kanyang pangginaw.
Mensahe:Ang kayabangan ay madalas mauwi sa kahihiyan.
tanong:
1. ano ang ginawa nila upang malaman kung sino talaga ang mas malakas?
2. paano inilabas ng hangin ang kanyang lakas?
3. sino tlaga sa kanila ang tunay na malakas?
With £ove,
kristine:)

Ang Dagang Taga-Bukid at ang Dagang Taga-Siyudad
The City Mouse and the Country MouseMagkaibigan sina Dagang-bukid at Dagang Bayan. Isang araw, dinalaw ni Dagang-Bukid sa tirahan niya. Ipinasyal niya si Dagang Bayan sa magagadang tanawin, halamanan at palaisdaan sa bukid.Ang saya nila!Matapos silang maglibot, naghain si Dagang Bukid. Pinagsaluhan nila ang palay at mais na natipon niya.Pagkatapos nilang kumain, ibinalita naman ni Dagang Bayan ang pagkain doon.Sabi niya, "Masaya sa lungsod. Maraming mapapasyalang magagandang lugar. Marami ring masasarap na pagkain, may keso, karne at tinapay. Sumama ka sakin.Naingganya si Dagang bukid sa paanyaya ni Dagang Bayan na pumunta sa lungsod.Dumating sila sa malaking bahay na tinitirhan ni Dagang Bayan. Humanga si Dagang Bukid sa nagggagandahan palamuti at kasangkapang nakita niya. May masarapna pagkain sa mesa tulad na keso, prutas,karne at iba pa.Talagang doon na sana siya magtitira nang biglang may lumabas na malalaking pusssa. Hinabol sila at nagtatakbo sila sa lungga upang magtago.Nang wala na ang pusa, napag isip isip niya na mahirap pala ang buhay sa lungsod.Sabi ni Dagang Bukid, "Aanhin ko ang buhay na masarap dito sa lungsod, akung ang buhay ko naman ay laging nasa bingit ng kamatayanat takot."Siya'y nagpaalam na sa kaibigan at tuluyan nang umalis upang di na bumalik..
tanong:
1. sino ang dalawang magkaibigan?
2. bakit naenganyo sumama si dagang bukid kat dagang bayan?
3. ano ang naranasan ni dagang bukid sa syudad?
With £ove,
kristine:)

Ang Usa na Naligaw sa Sapa
The Lost DeerIsang usa ang nagtatakbo papalapit sa isang sapa upang uminom.Pagkatapos makalagok ng ilang ulit ay napansin niya ang isang kakaibang hugis ang lumitaw sa tubig.Matagal siyang nagmasid hanggang sa matiyak niyang hugis niya ang kanyang nadudungawan.Nagpaikut-ikot at nagpabiling-biling ang Usa habang nakadungaw sa tubig. Pinagmasdan ang kanyang repleksyon."Talagang napakaganda ko, bagay na bagay sa akin ang mga sungay na ito." Labis ang pagmamalaki niya sa kanyang sarili.Sa kasisipat sa sarili ay napadukwang siya ng husto at napatuntong sa tubig. Lumitaw ang repleksyon ng kanyang mga binti sa ibabaw ng tubig. Tila napahiya siya sa sarili."Nakakahiya naman. Kay liliit pala ng mga binti ko, mukhang walang kalakas-lakas, hindi tulad ng aking mga sungay na napakaganda at bagay na bagay sa akin."Laking panghihinayang ng Usa sa kakulangan ng sukat ng kanyang paa.Mula sa kanyang likuran ay nararamdaman niya ang dahan-dahang paglapit ng isang leon, handa na siyang silain.Mabilis na sumibad ng takbo ang maliliit na paa ng Usa, binagtas ang malawak na kaparangan hanggang makapasok ng kagubatan. Nang lumingon ang Usa ay nakita niyang malayo ang naging agwat niya sa humahabol na leon. Nasiyahan siya.Muli sana siyang sisibad ng takbo nang masalabid sa maliliit na sanga ang kanyang sungay. Hindi na siya makawala sa pagkakaipit."Hindi ko akalain na ang magaganda kong sungay pala ng magpapahamak sa akin," hinagpis ng Usa.Naabutan at nalapa siya ng mabangis na leon.
MENSAHE:Kung alin ang hindi natin pinahahalagahan ay 'yun pala ang higit na may pakinabang.
tanong:
1. ano ang ayaw ni usa sa kanyang sarili?
2. sino ang dumating na handa na siyang silain?
3. ano ang nagpahamak kay usa?
With £ove,
kristine:)
